At si Ammon ay nagtungo sa lupain ng Ismael, ang lupaing tinawag alinsunod sa mga anak na lalaki ni Ismael, na siya ring mga naging Lamanita. At nang pasukin ni Ammon ang lupain ng Ismael, ang mga Lamanita ay dinakip siya at iginapos siya, tulad ng kanilang nakaugalian na igapos ang lahat ng Nephita na nahuhulog sa kanilang mga kamay, at dinadala sila sa harapan ng hari; at sa gayon ipinauubaya sa kasiyahan ng hari na patayin sila, o panatilihin sila sa pagkabihag, o itapon sila sa bilangguan, o itaboy sila palabas ng kanyang lupain, alinsunod sa kanyang kagustuhan at kasiyahan. At sa gayon dinala si Ammon sa harapan ng hari na nasa lupain ng Ismael; at ang kanyang pangalan ay Lamoni; at siya ay isang inapo ni Ismael.