Ngayon masdan, si Helaman at ang kanyang mga kapatid ay hindi nakabababa ng kapakinabangan sa mga tao kaysa kay Moroni; sapagkat ipinangaral nila ang salita ng Diyos, at bininyagan tungo sa pagsisisi ang lahat ng tao kung sino man ang makikinig sa kanilang mga salita.
At sa gayon sila humayo, at ang mga tao ay nagpakumbaba ng kanilang sarili dahil sa kanilang mga salita, kung kaya’t labis silang pinagpala ng Panginoon, at sa gayon sila nakalaya mula sa mga digmaan at alitan sa kanila, oo, maging hanggang sa loob ng apat na taon.