At ito ay nangyari na, na kaagad siyang nagpadala ng isang liham kay Pahoran, hinihinging mangalap siya ng mga tauhan upang palakasin sina Helaman, o ang mga hukbo ni Helaman, hanggang sa magawa niyang mapangalagaan nang buong gaan ang bahaging yaon ng lupain na mahimalang matagumpay niyang nabawi.
At ito ay nangyari na, nang ipadala ni Moroni ang liham na ito sa lupain ng Zarahemla, siya ay nagsimulang muling bumuo ng plano upang makuha niya ang mga nalalabi sa pag-aaring yaon at mga lunsod na nakuha ng mga Lamanita mula sa kanila.