At ngayon, nang matanto ni Coriantumer na nasa pag-aari na niya ang lunsod ng Zarahemla, at nakitang nagsisitakas ang mga Nephita sa kanilang harapan, at mga napatay, at nadakip, at itinapon sa bilangguan, at na nakamtan niya ang pag-aari ng pinakamalakas na muog sa buong lupain, na siya ay nagkalakas-loob hanggang sa pasugod na sana siya sa lahat ng lupain.
At ngayon hindi siya nanatili sa lupain ng Zarahemla, kundi humayo siyang kasama ang isang malaking hukbo, maging patungo sa lunsod ng Masagana; sapagkat matibay ang hangarin niyang sumalakay at marating ang kanyang paroroonan sa pamamagitan ng espada, upang matamo niya ang mga hilagang bahagi ng lupain.
At, sa pag-aakala na ang kanilang pinaka-lakas ay nasa gitna ng lupain, kaya nga siya ay humayo, hindi nagbigay ng panahon sa kanila upang sama-samang matipon ang kanilang sarili maliban lamang sa maliliit na pangkat; at sa pamamaraang ito kanilang sinalakay sila at pinabagsak sila sa lupa.