At ito ay nangyari na, na sa taon ding ito ay nagkaroon ng napakalaking pag-unlad sa simbahan, hanggang sa libu-libo ang isinapi ang kanilang sarili sa simbahan at bininyagan tungo sa pagsisisi. At napakalaki ng naging pag-unlad ng simbahan, at napakaraming pagpapala ang ibinuhos sa mga tao, na maging ang matataas na saserdote at mga guro na rin ay nanggilalas nang di masusukat. At ito ay nangyari na, na ang gawain ng Panginoon ay sumulong tungo sa pagbibinyag at pagsapi sa simbahan ng Diyos ng maraming tao, oo, maging sampu-sampung libo.