At ito ay nangyari na, na sa taon ding ito, masdan, ibinigay ni Nephi ang hukumang-luklukan sa isang lalaki na ang pangalan ay Cezoram. Sapagkat ang kanilang mga batas at kanilang mga pamahalaan ay pinagtitibay ng tinig ng mga tao, at ang mga yaong pumili ng kasamaan ay higit na nakararami kaysa sa mga yaong pumili ng kabutihan, anupa’t sila ay nahihinog na para sa pagkalipol, sapagkat ang mga batas ay naging tiwali. Oo, at hindi lamang ito; sila ay mga taong matitigas ang leeg, kung kaya nga’t hindi sila mapamahalaan ng batas ni katarungan, maliban sa kanilang pagkalipol.