At ang mga Nephita ay patuloy na humahayo sa araw at gabi, at sinasalakay ang mga hukbo nila, at pinapatay sila nang libu-libo at mga sampu-sampung libo. At sa gayon naging hangad ng mga tao ni Zemnarihas ang umurong mula sa kanilang balak, dahil sa malaking pagkawasak na sumasapit sa kanila sa araw at gabi. At ito ay nangyari na, na si Zemnarihas ay nagbigay-utos sa kanyang mga tao na iurong nila ang kanilang sarili mula sa pagkapaligid, at humayo sa mga pinakamalayong bahagi ng lupaing kahilagaan.