At ngayon, dahil sa nalalaman ni Gidgiddoni ang kanilang balak, at nalalaman ang kanilang kahinaan dahil sa kakulangan ng pagkain, at ang labis na pagkakatay na nagawa sa kanila, kaya nga ipinadala niya ang kanyang mga hukbo sa gabi, at hinarangan ang daan ng kanyang pag-urong, at inihimpil ang kanilang mga hukbo sa daan ng kanilang pag-urong.
At ito ay ginawa nila sa gabi, at nagpatuloy sa kanilang paghayo na inuunahan ang mga tulisan, kung kaya’t kinabukasan, nang simulan ng mga tulisan ang kanilang paghayo, sila ay sinalubong ng mga hukbo ng mga Nephita kapwa sa kanilang harapan at sa kanilang likuran. At ang mga tulisan na nasa timog ay nahadlangan din sa kanilang mga lugar ng dulugan. At ang lahat ng bagay na ito ay naganap sa utos ni Gidgiddoni.