At maraming libo ang nagsuko ng kanilang sarili bilang mga bihag sa mga Nephita, at ang nalalabi sa kanila ay napatay. At ang kanilang pinuno, na si Zemnarihas, ay dinakip at ibinigti sa punungkahoy, oo, maging sa tuktok niyon hanggang sa siya ay mamatay. At nang kanilang ibinigti siya hanggang sa siya’y mamatay ay pinabagsak nila ang punungkahoy sa lupa, at nagsisigaw sa malakas na tinig, sinasabing:
Nawa’y pangalagaan ng Panginoon ang kanyang mga tao sa kabutihan at sa kabanalan ng puso, upang magawa nilang pabagsakin sa lupa ang lahat ng maghahangad na patayin sila dahil sa kapangyarihan at lihim na pakikipagsabwatan, maging tulad ng pagbagsak ng lalaking ito sa lupa.