At ito ay nangyari na, na sabay-sabay silang lahat na nagsimula, sa pag-awit, at sa pagpuri sa kanilang Diyos dahil sa dakilang bagay na kanyang ginawa para sa kanila, sa pangangalaga sa kanila mula sa pagbagsak sa mga kamay ng kanilang mga kaaway. Oo, nagsisigaw sila:
Hosana sa Kataas-taasang Diyos.
At sila ay nagsisigaw:
Purihin ang pangalan
ng Panginoong Diyos na Pinakamakapangyarihan,
ang Kataas-taasang Diyos.
At ang kanilang mga puso ay nag-umapaw sa galak, hanggang sa pagtulo ng maraming luha, dahil sa dakilang kabutihan ng Diyos sa pagliligtas sa kanila mula sa mga kamay ng kanilang mga kaaway; at nalalaman nila na dahil sa kanilang pagsisisi at kanilang pagpapakumbaba kung kaya’t naligtas sila mula sa walang hanggang pagkawasak.