At kanyang ipinaliwanag ang lahat ng bagay, maging mula sa simula hanggang sa panahon na siya ay paparito sa kanyang kaluwalhatian—oo, maging ang lahat ng bagay na mangyayari sa balat ng lupa, maging hanggang sa ang mga elemento ay matunaw sa matinding init, at ang lupa ay sama-samang mababalot katulad ng nakalulon na papel, at ang langit at ang lupa ay lilipas;
At maging sa dakila at huling araw, na ang lahat ng tao, at lahat ng magkakamag-anak, at lahat ng bansa at wika ay tatayo sa harapan ng Diyos, upang hatulan sa kanilang mga gawa, kung sila ay mabubuti o kung sila ay masasama— Kung sila ay naging mabubuti, tungo sa pagkabuhay na mag-uli sa buhay na walang hanggan; at kung sila ay naging masasama, sa pagkabuhay na mag-uli sa kapahamakan; bilang magkaagapay, isa sa isang dako at ang isa sa kabilang dako, alinsunod sa awa, at katarungan, at sa kabanalan na na kay Cristo, na buhay na bago pa nagsimula ang daigdig.