At ito ay nangyari na, na sila ay naglakbay sa ilang, at gumawa ng mga gabara, kung saan sila nakatawid sa maraming tubig, patuloy na binibigyang-tagubilin ng kamay ng Panginoon. At hindi pinahintulutan ng Panginoon na sila ay tumigil sa kabilang dako ng dagat sa ilang, kundi ninais niyang makalabas sila maging hanggang sa lupang pangako, na pinili sa lahat ng ibang lupain, na inilalaan ng Panginoong Diyos para sa mabubuting tao.
At siya ay nanumpa sa kanyang kapootan sa kapatid ni Jared, na sinuman ang mag-aangkin sa lupang pangakong ito, mula sa panahong yaon at magpakailanman, ay dapat magsilbi sa kanya, ang tunay at tanging Diyos, o sila ay lilipulin kapag ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila.