At ito ay nangyari na, na ang mga Nephita ay nangalap ng malaking bilang ng mga tauhan, maging humigit pa sa bilang na tatlumpung libo. At ito ay nangyari na, na sila ay nagkaroon sa taon ding ito ng ilang digmaan, kung saan nagapi ng mga Nephita ang mga Lamanita at napatay ang marami sa kanila. At ito ay nangyari na, na iniurong ng mga Lamanita ang kanilang balak, at nagkaroon ng kapayapaan sa lupain; at ang kapayapaan ay nanatili sa loob ng may apat na taon, na walang dumanak na dugo.