Adres ng Sinagoga ng Mormon

Paniniwala sa Awtoridad ni Cristo

Moroni 7:27

Jesus may have ascended to heaven and been enthroned next to God, but miracles have not yet ceased.

Samakatwid, mga minamahal kong kapatid, tumigil na ba ang mga himala dahil sa si Cristo ay umakyat na sa langit, at umupo sa kanang kamay ng Diyos, upang angkinin sa Ama ang kanyang mga karapatan ng awa na mayroon siya sa mga anak ng tao?

Moroni 7:28

Jesus, now dwelling in heaven, claims all those who faithfully lay hold upon good things.

Sapagkat kanyang tinugon ang mga layunin ng batas, at kanyang inaangkin ang lahat ng yaong may pananampalataya sa kanya; at sila na may pananampalataya sa kanya ay kakapit sa bawat mabuting bagay; anupa’t ipinagtatanggol niya ang kapakanan ng mga anak ng tao; at siya ay nananahanang walang hanggan sa kalangitan.

Moroni 7:29–30

Christ continues his work by dispatching angels to those who exhibit strong faith and godliness

At dahil kanyang ginawa ito, mga minamahal kong kapatid, tumigil ba ang mga himala? Masdan sinasabi ko sa inyo, Hindi; ni ang mga anghel ay hindi tumitigil sa paglilingkod sa mga anak ng tao. Sapagkat masdan, sila ay nasasakop niya, upang maglingkod alinsunod sa salita ng kanyang utos, ipinakikita ang kanilang sarili sa kanila na may matibay na pananampalataya at may matatag na isipan sa bawat anyo ng kabanalan.

Moroni 7:31

Those who receive these angels call others to repentance, further the fulfillment the Father’s covenants, and declare the word of Christ unto the chosen.

At ang katungkulan ng kanilang ministeryo ay tawagin ang tao sa pagsisisi, at na tuparin at isagawa ang mga tipan ng Ama, na kanyang ginawa sa mga anak ng tao, upang ihanda ang daan sa mga anak ng tao, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng salita ni Cristo sa mga piling sisidlan ng Panginoon, upang sila ay magpatotoo sa kanya.