Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Pambungad

2 Nephi 11:8

Ipinaliwanag ni Nephi na siya ay magbabanggit mula sa mga sulat ni Isaias sa pag-asang ang mga makababasa ay maaaring makaunawa sa kanyang mga salita.

At ngayon susulat ako ng ilan sa mga salita ni Isaias, upang kung sino man sa aking mga tao ang makababasa ng mga salitang ito ay magkaroon ng sigla sa kanilang mga puso at magsaya para sa lahat ng tao. Ngayon, ito ang mga salita, at maaari ninyong ihalintulad ang mga ito sa inyo at sa lahat ng tao.