Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Propesiya Laban sa Assyria

2 Nephi 24:24-25

Ang Asiria ay mawawasak.

Sumumpa ang Panginoon ng mga Hukbo, sinasabing:

Tunay na kung ano ang aking inisip,
ay gayon din ang mangyayari;

At kung ano rin ang aking nilayon,
ay matutupad—

Na dadalhin ko ang mga taga-Asiria sa aking lupain,
at yayapakan ko siya sa ilalim ng mga paa sa aking mga bundok;

Pagkatapos aalisin sa kanila ang singkaw,
at aalisin ang kanyang pasaning iniatang sa kanilang mga balikat.

2 Nephi 24:26-27

Ito lahat ay mga bahagi ng dakilang plano ng Panginoon.

Ito ang layuning nilayon sa buong mundo;
at ito ang kamay na nakaunat sa lahat ng bansa.

Sapagkat ang Panginoon ng mga Hukbo ang naglayon,
at sino ang magpapawalang-bisa niyaon? At nakaunat ang kanyang kamay,
at sino ang makapagpapaurong nito?