At ito ay mangyayari na ang panahon ay sasapit, na ang kabuuan ng aking ebanghelyo ay ipangangaral sa kanila; At sila ay maniniwala sa akin, na ako si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, at mananalangin sa Ama sa aking pangalan.
Sa gayon ang kanilang mga bantay ay magtataas ng kanilang tinig,
at sa tinig na magkakasama sila ay aawit;
sapagkat sila ay makakikita nang mata sa mata.
Pagkatapos sila ay muling titipunin ng Ama nang magkakasama,
at ibibigay sa kanila ang Jerusalem na lupain ng kanilang mana.
At sila ay magdiriwang sa kagalakan—
Magsiawit na magkakasama, kayong mga naaksayang dako ng Jerusalem
sapagkat inaliw ng Ama ang kanyang mga tao,
tinubos niya ang Jerusalem.
Ipinakita ng Ama ang kanyang banal na bisig
sa paningin ng lahat ng bansa;
at lahat ng dulo ng mundo
ay makakikita sa pagliligtas ng Ama;
at ang Ama at ako ay isa.