Ang Lupain ni Nephi

Ang Pagunlad ng Kabihasnang Nephita

Jacob 7:24

Ang mga Nephita ay sumubok ng mga iba’t-ibang gawaing misyonero para sa mga Lamanita, ngunit hindi nagtagumpay.

At ito ay nangyari na, na maraming pamamaraan ang ginawa upang mabawi at maibalik ang mga Lamanita sa kaalaman ng katotohanan; subalit lahat ng ito ay nawalang-saysay, sapagkat nalulugod sila sa mga digmaan at pagpapadanak ng dugo, at mayroon silang walang hanggang pagkapoot sa amin, na kanilang mga kapatid. At patuloy na hinangad nilang lipulin kami sa pamamagitan ng lakas ng kanilang mga sandata.

Jacob 7:25

Ang mga Nephita ay nagpatibay ng kanilang depensang militar.

Anupa’t, ang mga tao ni Nephi ay nagpakatatag laban sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga sandata, at sa pamamagitan ng kanilang buong lakas, nagtitiwala sa Diyos at bato ng kanilang kaligtasan; kaya nga, sila sa ngayon ay naging manlulupig ng kanilang mga kaaway.

Jacob 7:26

Ang tumatandang si Jacob ay nagbuod ng kanyang buhay sa kanyang talaan.

At ito ay nangyari na, na ako, si Jacob, ay nagsimulang tumanda; at ang talaan ng mga taong ito na iniingatan sa isa pang mga lamina ni Nephi, anupa’t tinatapos ko ang talaang ito, ipinahahayag na sumulat ako ayon sa abot ng aking kaalaman, sa pamamagitan ng pagsasabing

lumipas na ang panahon sa amin,
at lumipas din ang mga taon ng aming buhay
na tulad ng isang panaginip,
kami na mga taong malulungkot at mapitagan,
mga palaboy, itinaboy palabas ng Jerusalem,
isinilang sa pagdurusa,
sa ilang,
at kinapopootan ng aming mga kapatid,
na naging sanhi ng mga digmaan at alitan;
kung kaya nga, ipinagdadalamhati namin ang aming mga araw.