Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Mga Karagdagang Puna ni Moroni

Moroni 1:1

Tinapos ni Moroni ang kanyang pagpapaikli sa mga lamina ni Ether, at nararamdamang siya ay mapalad at hindi parin siya natatagpuan ng mga Lamanita.

Ngayon ako, si Moroni, matapos na magawa ang pagpapaikli ng ulat ng mga tao ni Jared, na inakala kong hindi na makasusulat pa, ngunit ako ay hindi pa nasasawi; at ako ay hindi nagpapakita sa mga Lamanita at baka patayin nila ako.

Moroni 1:2

Pinapatay ng mga Lamanita ang lahat ng mga yaon na hindi magtatatwa kay Cristo.

Sapagkat masdan, ang kanilang mga digmaan ay lubhang malupit sa kanilang sarili; at dahil sa kanilang pagkapoot ay pinagpapapatay nila ang bawat Nephita na hindi nagtatatwa kay Cristo.

Moroni 1:3

Si Moroni, hindi nagnanais na itatwa si Cristo, ay nagpapagala-gala, iniiwasan ang mga Lamanita.

At ako, si Moroni, ay hindi itatatwa ang Cristo; kaya nga, ako ay gumagala sa kung saan mang dako maaari para sa kaligtasan ng sarili kong buhay.

Moroni 1:4

Si Moroni ay nagpasyang magsulat ng kakaunti pang mga bagay na maaaring kapaki-pakinabang sa kung sinuman ang makahahanap ng talaan.

Samakatwid, ako ay susulat pa ng ilang bagay, salungat doon sa yaong aking inakala; sapagkat inakala kong hindi na ako makasusulat pa; ngunit ako ay susulat ng ilan pang bagay, na marahil ang mga yaon ay magiging mahalaga sa aking mga kapatid, na mga Lamanita, sa mga darating na araw, alinsunod sa kalooban ng Panginoon.