Tinapos ni Moroni ang Aklat ni Mormon

Ang Lupang Pangako

Eter 2:9

Habang nagsusulat tungkol sa pagdating ng mga Jaredita sa Lupang Pangako, ipinaliwanag ni Moroni na ang lupain ay inilaan para sa mabubuting mga bansa at ang kasamaan ang magdadala sa kanilang pagbagsak.

At ngayon, namamasdan natin ang utos nd Diyos hinggil sa lupaing ito, na ito ay lupang pangako; at anumang bansa ang mag-aangkin nito ay magsisilbi sa Diyos, o sila ay lilipulin kapag ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila. At ang kaganapan ng kanyang kapootan ay sasapit sa kanila kapag nahinog na sila sa kasamaan.

Eter 2:10

Kung ang mga naninirahan sa lupang pangako ay hindi maglilingkod sa Diyos, sila ay lilipulin.

Sapagkat masdan, ito ay lupaing pinili sa lahat ng ibang lupain; kaya nga, siya na mag-aangkin nito ay magsisilbi sa Diyos o malilipol; sapagkat ito ang walang hanggang utos ng Diyos. At tanging sa ganap na kasamaan lamang ng mga anak ng lupain, kung kaya’t sila ay lilipulin.

Eter 2:11

Ang mga Gentil na maninirahan sa lupang pangako ay nararapat na malaman ito, nang sila ay hindi bumagsak katulad ng mga naunang mga bansa.

At makararating ito sa inyo, O kayong mga Gentil, upang malaman ninyo ang mga utos ng Diyos—upang kayo ay makapagsisi, at huwag magpatuloy sa inyong mga kasamaan hanggang sa ang kaganapan ay dumating, upang hindi ninyo dalhin ang kaganapan ng kapootan ng Diyos sa inyong sarili tulad ng nagawa noon ng mga nanirahan sa lupain.

Eter 2:12

Ang mga bansa na magmamana ng lupaing ito ay magiging malaya mula sa pagkabihag kung kanilang paglilingkuran ang Diyos.

Masdan, ito ay piling lupain, at anumang bansa ang mag-aangkin nito ay magiging malaya mula sa pagkaalipin, at sa pagkabihag, at sa lahat ng ibang bansa sa silong ng langit, kung pagsisilbihan lamang nila ang Diyos ng lupain, na si Jesucristo, na siyang ipinakikilala ng mga bagay na isinulat namin.