Si Noah at Ang Mga Iskapo

Ang Pagbitay kay Noa

Mosiah 19:11

Si Noa ay nagutos sa lahat ng kalalakihan na iwan ang kanilang mga asawa at mga anak at tumakbo para sa kanilang buhay.

Ngayon ito ay nangyari na, na ang hari ay nag-utos sa kanila na ang lahat ng lalaki ay nararapat iwanan ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak, at magsitakas sa harapan ng mga Lamanita.

Mosiah 19:12

Ilang mga kalalakihan ay sumunod at tumakas, samantalang ang iba ay tumanggi na iwan ang kanilang pamilya at sumuko sa mga Lamanita.

Ngayon, marami ang tumangging iwanan sila, kundi minabuting manatili at masawing kasama nila. At iniwanan ng mga nalalabi ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak at nagsitakas.

Mosiah 19:19

Sila na iniwan ang kanilang mga pamilya ay matatakutin sa simula palang, at kinuwestiyon ang awtoridad at pamumuno ni Noa—Ninais nilang bumalik.

At ngayon sila ay nangako sa kanilang mga puso na sila ay magbabalik sa lupain ng Nephi, at kung ang kanilang mga asawa at kanilang mga anak ay napatay, at gayon din yaong mga sumama sa kanila, na sila ay maghahangad na maghiganti, at masawi rin na tulad nila.

Mosiah 19:20

Pinagbawalan sila ni Noa sa pagtatangkang bumalik.

At inutusan sila ng hari na hindi sila dapat magbalik.

Mosiah 19:20

Naghimagsik sila, at sinunog si Noa sa tulos.

At sila ay nagalit sa hari, at pinapangyari na siya ay magdusa, maging ng kamatayan sa pamamagitan ng apoy.

Mosiah 19:21

Tinangka nilang patayin ang mga saserdote (sila na mga tapat parin sa hari), ngunit ang mga saserdote ay nakatakas.

At darakpin na rin sana nila ang mga saserdote at sila ay papatayin, at sila ay nagsitakas mula sa harapan nila.

Mosiah 19:22

Sila ay natagpuan ng pangkat ng mga tagahanap na pinangungunahan ni Gedeon.

At ito ay nangyari na, na sila ay nakahanda nang bumalik sa lupain ng Nephi, at nakasalubong nila ang mga tauhan ni Gedeon.