Ngayon nagpadala si haring Limhi, bago pa ang pagdating ni Ammon, ng maliit na bilang ng kalalakihan upang hanapin ang lupain ng Zarahemla...
At sinabi ng hari sa kanya:
Dahil sa pagdadalamhating sanhi ng paghihirap ng aking mga tao, pinapangyari ko na apatnapu at tatlo ng aking mga tao ang maglakbay sa ilang, nang sa gayon ay baka sakaling matagpuan nila ang lupain ng Zarahemla, upang makapagsumamo kami sa aming mga kapatid na palayain kami mula sa pagkaalipin.
...subalit hindi nila ito matagpuan, at nangaligaw sila sa ilang. Gayon pa man, sila ay nakatuklas ng isang lupain na natirahan ng mga tao; oo, isang lupaing nababalot ng mga tuyong buto; oo, isang lupaing natirahan ng mga tao at mga nalipol; at sila, sa pag-aakalang ito ang lupain ng Zarahemla,...
At naligaw sila sa ilang sa loob ng maraming araw, ngunit nagsumigasig sila, at hindi natagpuan ang lupain ng Zarahemla.
At sila ay may dalang isang talaan, maging ang talaan ng mga tao na ang mga buto ay kanilang natagpuan; at ito ay nauukit sa mga lamina ng inang mina.
At bilang patunay na totoo ang kanilang sinabi sila ay nagdala ng dalawampu’t apat na lamina na puno ng mga ukit, at gawa ang mga ito sa lantay na ginto. At masdan din, nagdala sila ng mga baluti sa dibdib, na malalaki, at gawa ang mga ito sa tanso at tumbaga, at mga walang sira. At muli, nagdala sila ng mga espada, ang mga puluhan niyon ay sira na, at ang mga talim niyon ay kinain na ng kalawang; at walang sinuman sa lupain ang makapagpaliwanag ng wika o ng mga ukit na nasa mga lamina.
...nagbalik sa lupain ng Nephi, na nakarating sa mga hangganan ng lupain mga ilang araw bago ang pagdating ni Ammon.
...kundi bumalik sa lupaing ito, matapos maglakbay sa isang lupain sa gitna ng maraming tubig, matapos matagpuan ang isang lupaing natatabunan ng mga buto ng tao, at ng mga hayop, at natatabunan din ng mga guho ng bawat uri ng gusali, matapos matagpuan ang isang lupaing tinirahan ng mga taong kasindami ng mga hukbo ng Israel.