Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Corianton

Konklusyon at Payo

Alma 42:29–30

Sinabi ni Alma kay Corianton na huwag malihis ng landas, subalit tanggapin ang Panginoon sa kanyang puso.

At ngayon, anak ko, hinihiling ko na ang mga bagay na ito ay huwag nang gumulo pa sa iyo, at hayaan na ang iyong mga kasalanan na lamang ang bumagabag sa iyo, sa yaong pangbabagabag na magdadala sa iyo sa pagsisisi.

O anak ko, hinihiling ko na huwag mo nang itatatwa pa ang katarungan ng Diyos. Huwag mo nang pagsikapang bigyang-katwiran ang iyong sarili sa pinakamaliit na punto nang dahil sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatatwa sa katarungan ng Diyos; kundi hayaan mong ang katarungan ng Diyos, at ang kanyang awa, at ang kanyang mahabang pagtitiis ang manaig sa iyong puso; at hayaan mo na ito ang magdala sa iyo sa alabok ng pagpapakumbaba.

Alma 42:31

Pinayuhan ni Alma si Corianton na mangaral ng ebanghelyo at magdali ng kaluluwa kay Cristo.

At ngayon, o anak ko, ikaw ay tinawag ng Diyos na mangaral ng salita sa mga taong ito. At ngayon, anak ko, humayo ka, at ipahayag ang salita nang may katotohanan at kahinahunan, nang ikaw ay makapagdala ng mga kaluluwa sa pagsisisi, upang ang dakilang plano ng awa ay magkaroon ng pag-angkin sa kanila. At nawa ay ipagkaloob sa iyo ng Diyos ang alinsunod sa aking mga salita. Amen.