Ngayon, ang pinuno ng mga Nephita, o ang lalaking hinirang na maging punong kapitan ng mga Nephita—ngayon, ang punong kapitan ang humahawak ng lahat ng kapangyarihan sa lahat ng hukbo ng mga Nephita—at ang kanyang pangalan ay Moroni; At hawak ni Moroni ang lahat ng kapangyarihan, at ang pamamalakad ng kanilang mga digmaan. At siya’y dalawampu at limang taong gulang lamang nang siya ay mahirang na punong kapitan sa mga hukbo ng mga Nephita.
At ito ay nangyari na, na hinarap niya ang mga Lamanita sa mga hangganan ng Jerson, at ang kanyang mga tao ay nasasandatahan ng mga espada, at ng mga simitar, at lahat ng uri ng sandata ng digmaan. At nang makita ng mga hukbo ng mga Lamanita na ang mga tao ni Nephi, o na si Moroni, ay pinaghanda ang kanyang mga tao ng mga baluti sa dibdib at ng kalasag sa bisig, oo, at ng kalasag din upang ipagsanggalang ang kanilang mga ulo, at nabibihisan din sila ng makakapal na damit—
..anupa’t labis silang natakot sa mga hukbo ng mga Nephita dahil sa kanilang baluti, bagaman ang kanilang bilang ay higit na malaki kaysa sa mga Nephita.
Ngayon, ang hukbo ni Zerahemnas ay hindi nakahanda sa gayong pamamaraan; hawak lamang nila ang kanilang mga espada at kanilang mga simitar, ang kanilang mga busog at kanilang mga palaso, ang kanilang mga bato at kanilang mga tirador; at sila ay nakahubad, maliban lamang sa balat na nabibigkis sa kanilang mga balakang; oo, lahat ay nakahubad, maliban lamang sa mga Zoramita at sa mga Amalekita; Subalit hindi sila nasasandatahan ng mga baluti sa dibdib, ni mga kalasag...