Ang Panahon ng Digmaan ng Zarahemla

Ang Sumunod Na Salinlahi

Alma 63:1–2

Ang mabuting kapatid ni Helaman na si Siblon ay naging tagapangalaga ng mga talaan ng mga Nephita.

At ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikatatlumpu at anim na taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, na kinuha ni Siblon ang pag-iingat ng mga banal na bagay na yaon na ibinigay kay Helaman ni Alma. At siya’y isang makatarungang tao, at lumakad siya nang matwid sa harapan ng Diyos; at pinagsikapan niyang patuloy na gumawa ng mabuti, sinusunod ang mga kautusan ng Panginoon niyang Diyos; at gayon din ang kanyang kapatid.

Alma 63:3

Si Moroni ay namatay.

At ito ay nangyari na, na si Moroni ay namatay na rin. At sa gayon nagtapos ang ikatatlumpu at anim na taon ng panunungkulan ng mga hukom.