Si Alma at ang Kanyang Mga Tagasunod

Mga Tao ni Alma sa Pagkaalipin

Mosiah 24:8–9

Si Amulon, ang dating saserdote ni Noa, at dating kasamahan ni Alma, ay inalipin ang mga tao sa Helam.

At ngayon ito ay nangyari na, na si Amulon ay nagsimulang gumamit ng kapangyarihan kay Alma at sa kanyang mga kapatid, at nagsimulang usigin siya, at pinapangyaring usigin ng kanyang mga anak ang kanilang mga anak.

Sapagkat nakikilala ni Amulon si Alma, na siya ay isa sa naging saserdote ng hari, at na siya ang yaong naniwala sa mga salita ni Abinadi at ipinagtabuyan mula sa harapan ng hari, at samakatwid, siya ay napoot sa kanya; sapagkat siya ay napasakop kay haring Laman, gayon pa man, siya ay gumagamit ng kapangyarihan sa kanila, at pinagagawa sila, at naglagay ng mga tagapagbantay sa kanila.

Mosiah 24:10

Ang mga inaliping mga tao ay nagsumamo sa Diyos.

At ito ay nangyari na, na napakasidhi ng kanilang mga paghihirap kung kaya’t nagsimula silang magsumamo nang mataimtim sa Diyos.

Mosiah 24:11

Ipinagbawal ni Amulon ang anumang pagsusumamo sa Diyos.

At inutusan sila ni Amulon na dapat silang magsitigil sa kanilang mga pagsusumamo; at naglagay siya ng mga bantay sa kanila upang bantayan sila, na sinuman ang matatagpuang nananawagan sa Diyos ay papatayin.

Mosiah 24:12

Sila sa halip ay nanalangin sa kanilang mga puso.

At si Alma at ang kanyang mga tao ay hindi naglakas ng kanilang mga tinig sa Panginoon nilang Diyos, subalit ibinuhos ang kanilang mga puso sa kanya; at kanyang nalalaman ang mga nasasaloob ng kanilang mga puso.

Mosiah 24:13–14

Tiniyak ng Panginoon sa mga alipin na isinasa-isip niya sila.

At ito ay nangyari na, na ang tinig ng Panginoon ay nangusap sa kanila sa kanilang mga paghihirap, sinasabing:

Itaas ang inyong mga ulo at maaliw, sapagkat nalalaman ko ang tipang inyong ginawa sa akin; at makikipagtipan ako sa aking mga tao at palalayain sila mula sa pagkaalipin.

At pagagaanin ko rin ang mga pasaning ipinataw sa inyong mga balikat, na maging kayo ay hindi madarama ang mga ito sa inyong mga likod, maging habang kayo ay nasa pagkaalipin; at ito ay gagawin ko upang kayo ay tumayong mga saksi para sa akin magmula ngayon, at upang inyong malaman nang may katiyakan na ako, ang Panginoong Diyos, ay dumadalaw sa aking mga tao sa kanilang mga paghihirap.

Mosiah 24:15

Ang mga pasanin ng mga alipin ay napagaan.

At ito ay nangyari na, na ang mga pasaning ipinataw kay Alma at sa kanyang mga kapatid ay pinagaan; oo, pinalakas sila ng Panginoon upang mabata nila ang kanilang mga pasanin nang may kagaanan, at nagpasailalim nang may kagalakan at nang may pagtitiis sa lahat ng kalooban ng Panginoon.

Mosiah 24:16–17

Ang Panginoon ay nangako ng nalalapit na paglaya mula sa pagkaalipin.

At ito ay nangyari na, na napakalakas ng kanilang pananampalataya at kanilang pagtitiis kung kaya’t ang tinig ng Panginoon ay muling nangusap sa kanila, sinasabing:

Maaliw kayo, sapagkat bukas
ay palalayain ko kayo mula sa pagkaalipin.

At sinabi niya kay Alma:

Mamumuno ka sa mga taong ito,
at makakasama ninyo ako at palalayain ang mga taong ito mula sa pagkaalipin.