Mosiah 24:8–9

At ngayon ito ay nangyari na, na si Amulon ay nagsimulang gumamit ng kapangyarihan kay Alma at sa kanyang mga kapatid, at nagsimulang usigin siya, at pinapangyaring usigin ng kanyang mga anak ang kanilang mga anak.

Sapagkat nakikilala ni Amulon si Alma, [i]2814[/i] na siya ay isa sa naging saserdote ng hari, at na siya ang yaong naniwala sa mga salita ni Abinadi at ipinagtabuyan mula sa harapan ng hari, at samakatwid, siya ay napoot sa kanya; sapagkat siya ay napasakop kay haring Laman, gayon pa man, siya ay gumagamit ng kapangyarihan sa kanila, at pinagagawa sila, at naglagay ng mga tagapagbantay sa kanila.

From section: Mga Tao ni Alma sa Pagkaalipin

From page: Si Alma at ang Kanyang Mga Tagasunod

Commentary