Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Karagdagang Paglaki ng Simbahan

Alma 27:1, 25:13

Matapos ang pagsalakay sa Ammonihas, ang mga Lamanita ay bumalik, at marami sa kanila ay nagsipagbalik-loob, at umanib sa mga Anti-Nephi-Lehi.

Ngayon ito ay nangyari na, nang ang mga yaong Lamanita na nakidigma laban sa mga Nephita ay malaman, matapos ang marami nilang pagsusumikap na lipulin sila, na walang kabuluhang hangarin ang kanilang pagkalipol, sila ay nagbalik na muli sa lupain ng Nephi.


At ito ay nangyari na, nang makita ng mga Lamanita na hindi nila madadaig ang mga Nephita na muli silang nagsibalik sa kanilang sariling lupain; at marami sa kanila ang nagtungo upang manirahan sa lupain ng Ismael at sa lupain ng Nephi, at ibinilang ang kanilang sarili sa mga tao ng Diyos, na mga tao ni Anti-Nephi-Lehi.

Alma 25:14

Ang mga bagong nagsipagbalik-loob ay ibinaon din ang kanilang mga sandata habang umaanib sa mga tao.

At ibinaon din nila ang kanilang mga sandata ng digmaan, katulad ng kanilang mga kapatid, at sila ay nagsimulang maging mabubuting tao; at sila ay nagsilakad sa mga landas ng Panginoon, at ginawang sundin ang kanyang mga kautusan at kanyang mga batas.

Alma 25:15

Ang mga nagsipagbalik-loob ay sumunod sa batas ni Moises, na umaasa kay Cristo.

Oo, at sinunod nila ang mga batas ni Moises; sapagkat kailangan pa nilang sundin ang mga batas ni Moises, sapagkat ang lahat ng ito ay hindi pa natutupad. Subalit sa kabila ng mga batas ni Moises, sila ay umaasa sa pagparito ni Cristo, isinasaalang-alang na ang mga batas ni Moises ay kahalintulad ng kanyang pagparito, at naniniwalang dapat nilang sundin yaong mga panlabas na gawa hanggang sa panahong magpakita siya sa kanila.

Alma 25:16

Naunawaan nila ang layunin at lugar ng batas ni Moises, at ginamit ito upang pagtibayin ang kanilang pananampalataya kay Cristo.

Ngayon, hindi nila inaakala na ang kaligtasan ay dumating sa pamamagitan ng mga batas ni Moises; kundi ang mga batas ni Moises ang naging daan upang palakasin ang kanilang pananampalataya kay Cristo; at sa gayon napanatili nila ang pag-asa sa pamamagitan ng pananampalataya, tungo sa walang hanggang kaligtasan, umaasa sa diwa ng propesiya, na nagsabi ng mga yaong bagay na darating.