Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Paglikas at Paghihiwalay

Alma 17:5–8
Ang mga anak ni Mosias ay nilisan ang Zarahemla at naglakbay sa ilang patungo sa lupain ng Nephi, kung saan naninirahan ang mga Lamanita.
Alma 17:9–12
Ang mga misyonero ay espirituwal na inihanda ang kanilang mga sarili, at binigyang katiyakan ng Panginoon na sila ay magiging epektibo.
Alma 17:14–16
Ninais ng mga misyonero na dalhin ang mga Lamanita sa pagsisisi.
Alma 17:13, 17
Dumating ang mga misyonero sa mga hangganan ng mga Lamanita, kung saan sila ay naghiwa-hiwalay at nagtungo sa kani-kanilang mga landas.

Ang Pagdating ni Amon sa Ishmael

Alma 17:18–19
Hiniwalay ang kanyang sarili mula sa iba, si Amon ay naglakbay mag-isa sa lupaing tinatawag na Ismael.
Alma 17:19–21
Ang mga Lamanitang bantay, nang makita si Amon, ay hinuli siya, at dinala siya sa kanilang hari, ang lalaking nagngangalang Lamoni.
Alma 17:22–23
Tinanon ni Lamoni si Amon kung nagnanais siyang mamuhay kasama ang mga Lamanita; at sinabi ni Amon na nais niya.
Alma 17:24
Si Lamoni, na nalulugod kay Amon, ay pinalaya siya at ibinibigay ang kanyang anak na babae sa kanya.
Alma 17:25
Tumanggi si Ammon, ngunit sa halip ay nag-alok na maging tagapag-lingkod ni Lamoni.

Si Amon at Ang Kawan ng Hari

Alma 17:26
Tatlong araw ang lumipas, si Amon ay itinalagang mangalaga sa mga kawan ni Lamoni sa isang tubigan na tinatawag na Sebus.
Alma 17:27
Sa daan papunta sa tubigan, si Amon ay nadaanan ang ilang mga Lamanita na pinaiinum ang kanilang mga kawan; ikinalat nila ang mga tupa ni Lamoni.
Alma 18:7
Ang pagkakalat ng mga kawan ay isang nakagawiang gawain ng mga nagpapaligsahang pangkat ng mga Lamanita; ito ay sa layuning makuha ang mga pagmamay-ari ng iba?
Alma 17:28–29
Ang mga kasamahang tagapagsilbi ni Amon ay naghinagpis para sa mga naikalat na mga kawan.
Alma 18:6
Bago rito, ang ibang mga tagapagsilbi ay hinatulan ng kamatayan dahil sa pagpapabayang maikalat ang mga kawan.
Alma 17:29–30
Si Amon, na nakakita ng pagkakataong makakuha ng tiwala at respeto, ay nagalak.
Alma 17:31–32
Hinimok ni Amon ang ibang mga tagapagsilbi na samahan siyang palibutan ang mga kawan.
Alma 17:32
Si Amon at ang mga tagapagsilbi ay tinipon ang mga kawan.
Alma 17:33
Ang mga kaaway na nagkalat sa kawan ay nagsimulang bumalik; sinabi ni Ammon sa mga tagapag-silbi na kubkubin ang mga kawan habang siya ay hahayo upang harapin ang mga kaaway.
Alma 17:34
Si Amon ay tumindig laban sa mga nanghahamon na mga pangkat ng mga Lamanita.
Alma 17:35
Ang mga nanghahamong mga Lamanita, hindi nalalaman ang makalangit na katawagan ni Amon ay hindi natatakot.
Alma 17:36
nagsimulang umatake si Amon, at tinamaan ang ilang mga nanlalaban ng kanyang tirador; ang mga nakaligtas ay sumugod sa kanya upang gumanti.
Alma 17:37
Habang ang mga kasapi ng pulutong ay papalapit kay Amon upang hatawin siya, pinutol niya ang kanilang mga bisig; ang mga kaaway ay tumakbo sa takot matapos makita ito.
Alma 17:38
Anim na mga kaaway ay napatumba sa pamamagitan ng tirador, ang kanilang pinuno ay napatay sa pamamagitan ng espada, at maraming naputol na mga bisig ang naiwan.
Alma 17:39
Nang matapos ang labanan, dinala ni Amon ang mga kawan pabalik sa pastulan, dala-dala ang mga pinutol na mga bisig ng mga kaaway.

Ang Reaksiyon ni Haring Lamoni

Alma 18:1–2
Napagalaman ni Lamoni kung ano ang nangyari, at malinaw na namangha—siya ay napaisip kung si Amon ba ay ang "Dakilang Espiritu".
Alma 18:5
Ang mga tradisyong pangrelihiyon ni Lamoni ang nagturo sa kanya tungkol sa "Dakilang Espiritu".
Alma 18:3
Ang mga tagapagsilbi ay hindi nalalaman kung anong uri ng tao si Amon—ang nalalaman lamang nila na siya ay palakaibigan at may dakilang kapangyarihan.
Alma 18:4
Si Lamoni ay napaniwala na si Amon ay ang Dakilang Espiritu.
Alma 18:8
Si Lamoni ay nagtanong kung nasaan si Amon.
Alma 18:9
Ang mga tagapagsilbi ay nagsabi na inihahanda ni Amon ang mga kabayo at karwahe ng hari.
Alma 18:10–11
Si Lamoni ay lalong nalugod na si Amon ay naaalala at naisasakatuparan lahat ng kanyang mga gawain.

Ang Pagtatanong ni Lamoni

Alma 18:12
Si Amon, nang matapos ang gawain, ay bumalik sa hari.
Alma 18:12–13
Napansin niya ang kakaibang ekspresiyon sa mukha ng hari at nagsimula siyang lumisan, subalit sinabi sa kanya ng tagapagsilbi na ninanais ng hari na siya'y manatili.
Alma 18:14
Tinanong ni Amon ang hari kung ano ang maipaglilingkod niya sa kanya; ang hari ay nanatiling tahimik sa mahabang oras.
Alma 18:15
Si Amon muli ay nagtanong sa hari kung ano ang nais niya sa kanya.
Alma 18:16–17
Si Amon, na nababasa ang isipan ng hari, ay nagtanong kung ang hari ay namamangha dahil sa nangyari sa Sebus; pagkatapos ay tiniyak niya na siya ay tagapagsilbi ng hari.
Alma 18:18
Ang hari, na muling pinahanga ni Amon, ay tinanong siya kung siya ang Dakilang Espiritu.
Alma 18:19
Sinabi ni Amon na hindi siya.
Alma 18:10–21
Nagtanong ang hari kung paano niya nabasa ang kanyang isipan, at kung paano siya nagkaroon ng kapangyarihang itaboy ang mga kaaway tulad ng ginawa niya.

Mga Turo ni Amon

Alma 18:22
Si Amon ay nagtanong sa hari kung maniniwala siya kung sasabihin niya.
Alma 18:23
Ang hari ay sumangayon na maniwala sa anumang sasabihin ni Amon.
Alma 18:24
Tinanong ni Amon si Lamoni kung naniniwala siya sa Diyos.
Alma 18:25
Hindi nauunawaan ni Lamoni.
Alma 18:26
Tinanong ni Amon si Lamoni kung naniniwala siya na ang Dakilang Espiritu ay umiiral.
Alma 18:27
Sinabi ni Lamoni na oo.
Alma 18:28
Ipinaliwanag ni Amon na ang Dakilang Espiritu ay ang Diyos, at nagtanong sa kanya kung naniniwala siya sa paglikha ng lupa at langit.
Alma 18:29
Si Lamoni ay naniwala sa paglikha ng mundo, ngunit di nalalaman kung ano ang langit.
Alma 18:30
Ipinaliwanag ni Amon na ang langi ay lugar kung saan nananahan ang Diyos.
Alma 18:31
Si Lamoni ay nagtanong kung ito ay nasa itaas ng mundo?
Alma 18:32
Sinabi ni Amon na oo, ang Diyos ay tumitingin sa lahat ng kanyang nilikha mula sa itaas.
Alma 18:33
Pinaniwalaan ni Lamoni si Amon, at nagtanong kung si Amon ay isinugo ng Diyos.
Alma 18:34–35
Inamin ni Ammon na siya ay isang tao lamang, subalit siya’y tinawag ng Diyos at may kaugnayan sa Banal na Espiritu.
Alma 18:36
Si Amon ay nagsimula upang turuan si Lamoni tungkol sa paglikha ng mundo, ang Pagkahulog ni Adan, at ang pagkakasunod-sunod ng kaganapan sa mundo, at ang kasaysayang ng Israel.
Alma 18:37–39
Si Amon ay nagbanggit sa kasaysayan ng kolonyang lehita, at nagturo ng doktrina ni Cristo.

Ang Pagbabalik-loob ni Lamoni

Alma 18:40–41
Naniwala ang hari sa lahat ng turo ni Amon at nagsimulang manalangin para sa awa.
Alma 18:42
Habang nananalangin, siya ay nalugmok sa lupa.
Alma 18:43
Siya ay binuhat patungo sa kanyang asawa, at sa loob ng dalawang araw ang mga tao ay nagdalamhati para sa kanya na tila baga'y siya ay namatay na.
Alma 19:1
Ang mga nasasakupan ng hari ay nagsimulang maghanda para sa pageembalsamo at paglilibing.

Si Amon at Ang Reyna

Alma 19:2–3
Ipinatawag ng Reyna si Amon.
Alma 19:4–5
Sinabi ng reyna kay Amon na napagalaman niyang siya ay isang propeta at sinabi niyang nais niya makita ang hari, na ipinalalagay niyang siya ay buhay pa.
Alma 19:6–7
Si Amon, na nalulugod sa hiling ng reyna, ay sumunod.
Alma 19:8–9
Tiniyak ni Amon sa reyna na ang hari ay hindi pa patay, ngunit natutulog lamang; siya ay nagtanong kung ang reyna ay naniniwala rito.
Alma 19:10
Tinanggap ng reyna na tanging ang salita lamang ni Amon ang kanyang maaasahan, subalit gayunman ay naniwala.
Alma 19:11
Pinuri ni Amon ang reyna dahil sa kanyang pananampalataya.

Ang Pagbabalik-loob ng Sambahayan ng Hari

Alma 19:11
Ang reyna ay naghintay sa hari hanggang umaga: ang oras na sinabi ni Amon na siya ay babangon.
Alma 19:12
Sa umaga, ang hari ay bumangon, at inihayag ang kanyang pagbabalik-loob at kaalaman sa Manunubos.
Alma 19:13
Siya ay muling nalugmok, sa panahong ito ay dahil sa kagalakan— ginawa ng reyna ang gayun din.
Alma 19:14
Si Amon, na nakikita ang epekto ng kapangyarihan ng Diyos, ay lumuhod, at naghandog ng isang panalangin ng pasasalamat.
Alma 19:15–16
Ang buong sambahayan ay sumunod rin, lahat maliban sa isang babae, si Abis, na siya nang nagbalik-loob sa kanyang sarili mga ilang panahong nakalipas.

Si Abish at Mga Nanonood

Alma 19:17
Nang ang buong sambahayan ng hari ay bumagsak sa lupa, si abis ay tumakbo upang sabihan ang bawat isa.
Alma 19:18
Ang mga tao ay nagtipon sa bahay ng hari at nakita ang bawat isa na nakahiga sa lupa.
Alma 19:19–21
Ang ilang mga nakakita ay nagpalagay na may kasamaang sumanib sa bawat isa dahil si Amon ay hinayaang manatili habang ang iba ay nagsabi na ito ay isang parusa para sa mga pagbibitay na kamakailan iniutos ng hari.
Alma 19:22–24
Ang kapatid ng lalaking pinatay ni Amon ay kasama nila. Nakita niya si Amon, at naghangad ng paghihiganti, hinugot ang kanyang espada, at biglang, sa takot ng mga nakakita, siya ay patay na bumagsak bago niya nagawang sumaksak.
Alma 19:25
Ang mga tao ay sumangayon na si Amon ay ipinadala ng Dakilang Espiritu.
Alma 19:26–28
Ang iba ay tumanggi, sinasabi na si Amon ay isang halimaw na Nephita, na ipinadala upang pahirapan ang mga Lamanita dahil sa kanilang mga kasamaan.

Pinalawak na Pagbabalik-loob

Alma 19:28–29
Si Abis ay bumalik at, nalulungkot sa mga hindi pagkakaunawaan, ay pumunta sa reyna, at tinulungan siyang bumangon—ang reyna ay pinuri si Jesus, at inihayag ang kanyang pagbabalik-loob.
Alma 19:30–32
Pinabangon ng reyna ang hari, at nagsimula silang ituro ang mga salita ni Amon sa mga nagtatalu-talong mga tao.
Alma 19:33–34
Si Amon at ang ibang mga tagapagsilbi ay bumangon din, at nagsimulang magturo ng ebanghelyo sa lahat ng mga nakatingin.
Alma 19:35
Ang pagtuturo ay epektibo; mga pagbibinyag at pagbuo ng simbahan ang sumunod.
Alma 19:36
Ang gawain sa mga Lamanita ay lumaganap magmula ngayon.

Ang Plano ni Amon at Lamoni

Alma 20:1
Isang araw matapos na maitatag ang simbahan, si Lamoni ay nagmungkahing humayo sila upang makita ang kanyang ama sa lupain ng Nephi.
Alma 20:2
Ang Panginoon ay nagbabala kay Amon na huwag pumunta sa lupain ng Nephi at ipinaalam sa kanya na ang kanyang mga kapatid ay nasa bilangguan sa Midoni, at nangangailangan ng saklolo.
Alma 20:3
Sinabi ni Amon kay Lamoni na kinakailangan nilang pumunta sa Midoni upang palayain ang kanyang mga kapatid.
Alma 20:4
Sumang-ayon si Lamoni, at sinabi na ang pinuno ng Midoni ay kanyang kaibigan, at maaaring makisama sa kanyang mga hiling.
Alma 20:4
Si Lamoni ay nagtanung kung paanong si Amon ay napag-alaman na ang kanyang mga kapatid ay nasa kulungan.
Alma 20:5
Si Amon ay tumugon na ang Diyos ang nagsabi sa kanya.
Alma 20:6
Si Lamoni ay nag-utos na ang kanyang mga kabayo at mga karuwahe ay maihanda.
Alma 20:7
Ipinatawag ni Lamoni si Ammon, at kanilang sinimulan ang kanilang pag-alis.

Pagtatagpo sa Ama ni Lamoni

Alma 20:8–10
Sa kanilang daan patungong Midoni, si Lamoni at Amon ay nagkataong nakasalubong ang ama ni Lamoni, na nagtanong kay Lamoni kung bakit hindi siya pumunta sa nakaplanong piging, at bakit siya ay naglalakbay kasama ng isang Nephita.
Alma 20:11–12
Sinabi ni Lamoni sa kanyang ama kung ano ang nangyari.
Alma 20:13
Ang hari ay nagalit, at pinagsabihan siya sa pakikisama sa isang Nephita.
Alma 20:14
Inutusan ng ama ni Lamoni si Lamoni na patayin si Amon, at umuwi.
Alma 20:15
Si Lamoni ay tumangging patayin si Amon, at isinalaysay ang kanyang hangarin na saklolohan ang mga kapatid ni Amon sa Midoni.
Alma 20:16
Ang ama ni Lamoni, lubhang nagagalit sa hindi pagsunod, ay hinugot ang kanyang espada, at nakahandang saksakin si Lamoni.
Alma 20:17–18
Sinabi ni Amon sa kanyang ama na huwag saktan si Lamoni, subalit sinabi na si Lamoni gayunman, ay nahahanda sa kamatayan, siya na nagbalik-loob sa Panginoon.
Alma 20:19
Ang ama ni Lamoni ay ipinagtapat ang pagiging walang-malay ni Lamoni.
Alma 20:20
Ibinunton ng ama ni Lamoni ang kanyang galit kay Amon, at siya ay sasaksakin na, nang mapawalang-kakayanan ni Amon ang ama ni Lamoni sa pamamagitan ng pagsugat sa kanyang kamay.
Alma 20:21–22
Ang ama ni Lamoni ay nagsumamo para sa kanyang buhay na huwag kitlin; si Amon ay sumang-ayon na hindi kitlin ito kung hahayaan sila na makapunta sa Midoni para masaklolohan ang kanyang mga kapatid.
Alma 20:23
Sumang-ayon ang ama ni Lamoni, at nagsabi ring ipagkakaloob ang hanggang sa kalahati ng kanyang kaharian.
Alma 20:24–25
Muling isinalaysay ni Amon ang termino sa pagpapalaya ng kanyang mga kapatid at ang kalayaan at paghahari ni Lamoni.
Alma 20:26–27
Ang ama ni Lamoni na humahanga kay Amon, nakikita na wala siyang hangad na saktan siya, ay nakipagkasundo sa termino, at naging mausisa sa mga bagay na itinuro ni Amon kay Lamoni.

Paglaya ng Mga Kapatid ni Amon Mula sa Kulungan

Alma 20:28
Si Amon at Lamoni ay nagtungo sa Midoni, at naging matagumpay na mapalaya ang mga kapatid ni Amon.
Alma 20:29–30
Sinalubong ni Amon ang kanyang mga kapatid, na mga bugbog at hapo mula sa pang-aabuso sa kulungan—hindi sila nagkaroon ng kapalaran na tinamasa ni Amon sa kanyang pangangaral.

Pagtataguyod ng Simbahan sa Ishmael

Alma 21:18
Iniwan ni Amon at Lamoni si Aaron at kanyang mga kapatid, at bumalik sa Ismael.
Alma 21:19–20
Si Amon ay itinaas mula sa pagiging tagapagsilbi at mga ang mga sinagoga at simbahan ay itinayo sa buong lupain ng Ismael.
Alma 21:21–22
Si Lamoni ay masayang naghayag na ang mga tao ay malayang makasasamba kailanman nila gustuhin.
Alma 21:23
Si Amon ang kanilang gurong pangrelihiyon, at naghihimok sa mga tao na ipamuhay ang ebanghelyo ng matapat.

Pag-iisa sa Mga Anti-Nephi-Lehi

Alma 24:5–6
Sa Media, si Amon ay nakipagkita kay Aaron at kanyang mga kapatid at sa kanilang mga bagong nagsipag-balik loob, na tinawag na mga Anti-Nephi-Lehi; Ang mga Anti-Nephi-Lehi ay pinupuntirya at binabantaan ng mga Lamanita na hindi nagsipagbalik-loob.
Alma 24:7–16
Ang hari ng mga Anti-Nephi-Lehi ay nagsalita sa mga tao tungkol sa kanilang pagbabalik-loob at sila ay sumumpa na hindi na makikipaglaban pang muli.
Alma 24:17–18
Ang mga Anti-Nephi-Lehi ay ibinaon ang kanilang mga sandata sa lupa, nangangako na hindi na muling kukunin ang mga ito.
Alma 24:19
Ang mga Anti-Nephi-Lehi ay isang larawan ng matatag na katapatan.

Paghihimagsik, Paglusob at Pagbabalik-loob ng Mga Hindi Naniniwalang Mamamayan

Alma 24:20
Ang mga hindi nagbalik-loob na mga Lamanita ay bumuo ng himagsikan laban sa nagbalik-loob na hari at kanyang mga tagasunod.
Alma 24:21–22
Ang mga nagbalik-loob, na gumawa ng isang sumpa na hindi na lalaban, ay walang labang nagpatirapa sa lupa at pinagpapatay ng mga naghihimagsik.
Alma 24:23–24
Maraming mga nahihimagsik na mga sundalo, nang makita kung paanong ang mga naniniwala ay isinakripisyo ang kanilang sarili na hindi lumalaban, ay lubos na nahabag, at itinigil ang pagpatay.
Alma 24:25
Binabagabag ng kanilang kunsensiya sa kanilang walang awang gawaing pandigma, ang mga sundalo ay nagsisi, at nagpasyang makisama sa mga nagsipagbalik-loob.
Alma 24:26–27
Higit sa isanlibong sundalo ang sumunod din, at ang bilang ng mga sundalong nagsipagbalik-loob ay humigit sa bilang ng mga namatay.
Alma 24:28–30
Ang pinaka-matitigas na mga mandirigma ay ang mga Amalekita at mga Amulonita (mga nagsipag-aklas na Nephita) na hindi umanib sa mga nagsipagbalik-loob.

Welga sa Amonihas

Alma 25:1
Ang mga natitirang Lamanita ay galit na kinakailangan nilang itigil ang pagpatay sa mga nagsipagbalik-loob na mga Lamanita, at ibaling ang kanilang pansin sa paghihiganti laban sa mga Nephita.
Alma 25:2–3
Ang mga militanteng Lamanita ay sumalakay sa isang Nephitang lunsod ng Ammonihas, winasak ito, at nagdala ng mga bihag.

Karagdagang Paglaki ng Simbahan

Alma 27:1, 25:13
Matapos ang pagsalakay sa Ammonihas, ang mga Lamanita ay bumalik, at marami sa kanila ay nagsipagbalik-loob, at umanib sa mga Anti-Nephi-Lehi.
Alma 25:14
Ang mga bagong nagsipagbalik-loob ay ibinaon din ang kanilang mga sandata habang umaanib sa mga tao.
Alma 25:15
Ang mga nagsipagbalik-loob ay sumunod sa batas ni Moises, na umaasa kay Cristo.
Alma 25:16
Naunawaan nila ang layunin at lugar ng batas ni Moises, at ginamit ito upang pagtibayin ang kanilang pananampalataya kay Cristo.

Ang Kaligayahan ng Mga Misyonero

Alma 25:17
Kasama ng lahat ng mga bagong nagbalik-loob, ang mga anak ni Mosias ay lubos na masaya.
Alma 26:1–9
Si Amon ay nagsalita sa kanyang mga kapatid tungkol sa kung paanong sila ay pinagpala, at nagalak sa kanilang malaking tagumpay.
Alma 26:10
Nakikitang si Amon ay ginugunita ang lahat ng kanilang magagandang kapalaran, pinagsabihan ni Aaron si Amon, iminumungkahing siya ay maaaring nagyayabang na.
Alma 26:11–37
Ipinaliwanag ni Amon na siya ay nagmamalaki lamang sa kanyang Diyos, at sa kanyang kagila-gilalas na kapangyarihan at kasaganaan.

Mga Karagdagang Pagsalakay at Ang Paglalakbay ng Mga Nagbalik-loob

Alma 27:2–3
Ang mga Amalekita, galit sa kanilang mga bigong plano upang lipulin ang mga Nephita, ay muling ibinaling ang kanilang pansin sa mga nagsipagbalik-loob na mga Lamanita, na siyang muling walang awang pinagpapatay.
Alma 27:4–5
Si Amon, nakikita ang mga nakapanghihilakbot na paglipol sa mga nagbalik-loob, ay nagmungkahing lumisan sila papuntang Zarahemla kasama ang mga Nephita.
Alma 27:6
Ang hari ng Anti-Nephi-Lehi ay natatakot na humayo at manirahan kasama ang mga Nephita, nalalaman ang hindi magandang ugnayan nila sa nakaraan.
Alma 27:7
Sinabi ni Amon na ipagdarasal niya ito; tinanong niya ang hari kung siya ay pupunta kung ito ay ipinagutos ng Diyos.
Alma 27:8
Sinabi ng hari na gagawin niya, at nagsabi rin na magpapaalipin siya bilang kapalit ng paninirahan kasama ang mga Nephita.
Alma 27:9
Tiniyak ni Amon sa hari na hindi na iyon mahalaga, ipinaliliwanag na ang pag-aalipin ay iligal sa mga Nephita.
Alma 27:10
Inudyukan ng hari si Amon na ipanalangin ito.
Alma 27:11–13
Si Amon ay nanalangin, at sinabi ng Panginoon sa kanya na lisanin ang teritoryo ng mga Lamanita at humayo papunta sa lupain ng mga Nephita.
Alma 27:14
Ang mga Anti-Nephi-Lehi at ang mga misyonero ay naghanda upang lumikas.
Alma 27:15
Si Amon ay nagmungkahing manguna sa kanila, tiktikan ang kanilang daraanan, at hikayatin ang mga Nephita na tanggapin sila.