Ngayon, nang marinig ni haring Lamoni na inihahanda ni Ammon ang kanyang mga kabayo at karuwahe siya ay lalong nanggilalas, dahil sa katapatan ni Ammon, sinasabing: [i]2898[/i]
Tunay na walang sino mang tagapagsilbi sa lahat ng tagapagsilbi ko ang naging napakatapat na tulad ng taong ito; sapagkat naaalaala niya maging ang lahat ng aking mga utos upang isagawa ang mga ito.
Ngayon tunay na nalalaman ko na ito ang Dakilang Espiritu, at nais kong siya ay magtungo sa akin, subalit hindi ako magtatangka.