Ngayon, nang makita ni Ammon at ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng yaong nagsisama sa kanya ang mga paghahanda ng mga Lamanita upang lipulin ang kanilang mga kapatid, sila ay nagtungo sa lupain ng Media, at doon kinatagpo ni Ammon ang lahat ng kanyang mga kapatid; at mula roon sila ay nagtungo sa lupain ng Ismael upang makapagdaos sila ng isang pagpupulong na kasama si Lamoni at kasama rin ang kanyang kapatid na si Anti-Nephi-Lehi, kung ano ang kanilang nararapat gawin upang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga Lamanita.
Ngayon wala ni isa mang kaluluwa sa lahat ng taong nagbalik-loob sa Panginoon ang nagnais na humawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid; hindi, tumanggi sila maging sa gumawa ng ano mang paghahanda para sa pakikidigma; oo, at ang kanilang hari ay nag-utos din na huwag silang gumawa nang gayon.
Ngayon, ito ang mga salitang kanyang sinabi sa mga tao hinggil sa bagay na yaon:
At ngayon ito ay nangyari na, nang matapos ang hari sa pangungusap ng mga bagay na ito, at ang lahat ng tao ay sama-samang nagtipon, na kinuha nila ang kanilang mga espada, at lahat ng sandatang ginagamit para sa pagpapadanak ng dugo ng tao, at ibinaon nila ang mga ito nang malalim sa lupa.
At ito ay ginawa nila, ito na sa pananaw nila ay patotoo sa Diyos, at gayon din sa mga tao, na hindi na sila muling gagamit pa ng mga sandata para sa pagpapadanak ng dugo ng tao; at ito ay ginawa nila, nananagutan at nakikipagtipan sa Diyos, na kaysa sa padanakin ang dugo ng kanilang mga kapatid ay ibibigay nila ang kanilang buhay; at kaysa sa kumuha mula sa isang kapatid sila ay magbibigay sa kanya; at kaysa sa palipasin ang kanilang mga araw sa katamaran ay masigasig silang gagawa sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
At sa gayon nakikita natin na, nang ang mga Lamanitang ito ay nadalang maniwala at malaman ang katotohanan, sila ay naging matatag, at magdurusa maging hanggang sa kamatayan kaysa sa gumawa ng kasalanan; at sa gayon nakikita nating ibinaon nila ang kanilang mga sandata ng kapayapaan, o ibinaon nila ang mga sandata ng digmaan, para sa kapayapaan.