O, napakamaawain ng ating Diyos! At ngayon masdan, sapagkat ito lamang ang magagawa natin upang malinis ang ating mga dungis mula sa atin, at ang ating mga espada ay gawing makinang, itabi natin ang mga ito upang ang mga ito ay mapanatiling makinang, bilang patotoo sa ating Diyos sa huling araw, o sa araw na yaon na tayo ay dadalhin upang tumindig sa kanyang harapan upang hatulan, na hindi natin dinungisan pa ang ating mga espada ng dugo ng ating mga kapatid magmula nang ibahagi niya ang kanyang salita sa atin at ginawa tayong malinis sa gayong paraan.