At kinaawaan tayo ng dakilang Diyos, at ipinaalam ang mga bagay na ito sa atin upang hindi tayo masawi; oo, at ipinaalam niya ang mga bagay na ito sa atin sa mula’t mula pa, sapagkat minamahal niya ang ating mga kaluluwa katulad ng pagmamahal niya sa ating mga anak; anupa’t sa kanyang awa tayo ay dinalaw niya sa pamamagitan ng kanyang mga anghel, upang ang plano ng kaligtasan ay maipaalam sa atin maging sa mga susunod na salinlahi.