Ngayon, mga pinakamamahal kong kapatid, simula ng nilinis ng Diyos ang ating mga dungis, at ang ating mga espada ay naging makinang, kung gayon, huwag na nating dungisan pa ang ating mga espada ng dugo ng ating mga kapatid. Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi, itabi natin ang ating mga espada upang hindi madungisan ang mga ito ng dugo ng ating mga kapatid; sapagkat marahil, kung muli nating dudungisan ang ating mga espada na ang mga ito ay hindi na mahuhugasang makinang sa pamamagitan ng dugo ng Anak ng ating dakilang Diyos, na mabubuhos para sa pagbabayad-sala ng ating mga kasalanan.