[Alma 24:7–16] Pagkakataon para sa pagsisisi

At masdan, pinasasalamatan ko rin ang aking Diyos [i]2921[/i] na dahil sa pagbubukas ng pakikipag-ugnayang ito ay napaniwala tayo sa ating mga kasalanan, at sa maraming pagpaslang na nagawa natin. At pinasasalamatan ko rin ang aking Diyos, oo, ang aking dakilang Diyos, na kanyang pinahintulutan tayong mapagsisihan natin ang mga bagay na ito, at na kanya ring pinatawad tayo sa marami nating kasalanan at mga pagpaslang na nagawa natin, at inalis ang pagkakasala sa ating mga puso, sa pamamagitan ng kabutihan ng kanyang Anak.

From section: Pag-iisa sa Mga Anti-Nephi-Lehi

From page: Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Commentary