Nagpapasalamat ako sa aking Diyos, mga tao kong minamahal, na isinugo sa kabutihan ng ating dakilang Diyos itong ating mga kapatid, ang mga Nephita, sa atin, upang mangaral sa atin, at upang mapaniwala tayo laban sa mga kaugalian ng ating masasamang ama. At masdan, nagpapasalamat ako sa aking dakilang Diyos na binigyan niya tayo ng isang bahagi ng kanyang Espiritu upang palambutin ang ating mga puso, kung kaya’t tayo ay nagbukas ng pakikipag-ugnayan sa mga kapatid nating ito, ang mga Nephita. [i]2922[/i]