At ngayon ito ay nangyari na, nang matapos ang hari sa pangungusap ng mga bagay na ito, at ang lahat ng tao ay sama-samang nagtipon, na kinuha nila ang kanilang mga espada, at lahat ng sandatang ginagamit para sa pagpapadanak ng dugo ng tao, at ibinaon nila ang mga ito nang malalim sa lupa. [i]2924[/i] [i]3181[/i] [i]1234[/i]
At ito ay ginawa nila, ito na sa pananaw nila ay patotoo sa Diyos, at gayon din sa mga tao, na hindi na sila muling gagamit pa ng mga sandata para sa pagpapadanak ng dugo ng tao; at ito ay ginawa nila, nananagutan at nakikipagtipan sa Diyos, na kaysa sa padanakin ang dugo ng kanilang mga kapatid ay ibibigay nila ang kanilang buhay; at kaysa sa kumuha mula sa isang kapatid sila ay magbibigay sa kanya; at kaysa sa palipasin ang kanilang mga araw sa katamaran ay masigasig silang gagawa sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.