Ngayon, nang makita ni Ammon at ng kanyang mga kapatid at ng lahat ng yaong nagsisama sa kanya ang mga paghahanda ng mga Lamanita upang lipulin ang kanilang mga kapatid, sila ay nagtungo sa lupain ng Media, at doon kinatagpo ni Ammon ang lahat ng kanyang mga kapatid; at mula roon sila ay nagtungo sa lupain ng Ismael upang makapagdaos sila ng isang pagpupulong na kasama si Lamoni at kasama rin ang kanyang kapatid na si Anti-Nephi-Lehi, kung ano ang kanilang nararapat gawin upang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga Lamanita.
Ngayon wala ni isa mang kaluluwa sa lahat ng taong nagbalik-loob sa Panginoon ang nagnais na humawak ng mga sandata laban sa kanilang mga kapatid; [i]1540[/i] hindi, tumanggi sila maging sa gumawa ng ano mang paghahanda para sa pakikidigma; oo, at ang kanilang hari ay nag-utos din na huwag silang gumawa nang gayon.