At nang makita niyang walang hangad si Ammon na patayin siya, at nang kanya ring makita ang dakilang pagmamahal na taglay niya para sa kanyang anak na si Lamoni, siya ay labis na nanggilalas, at sinabi: [i]1537[/i]
Dahil sa ito lamang ang hiniling mo, na palayain ko ang iyong mga kapatid, at pahintulutang manatili sa anak kong si Lamoni ang kanyang kaharian, masdan, ipagkakaloob ko sa iyo na manatili sa aking anak ang kanyang kaharian mula ngayon at magpakailanman; at hindi ko na siya pamamahalaan pa—
At ipagkakaloob ko rin sa iyo na ang iyong mga kapatid ay mapalabas sa bilangguan, at makatutungo ka at ang iyong mga kapatid sa akin, sa aking kaharian; sapagkat lubos kong nanaising makita ka.
Sapagkat ang hari ay labis na nanggilalas sa mga salitang sinabi niya, at sa mga salita ring sinabi ng kanyang anak na si Lamoni, kung kaya’t nagnais siyang malaman ang mga ito.