Ngayon, ito ang mga pangyayaring naganap sa kanila sa kanilang mga paglalakbay, sapagkat sila ay maraming naging paghihirap; at sila’y labis na nagdusa, kapwa sa katawan at sa isipan, tulad ng gutom, uhaw at pagod, at gayon din sa labis na paghihirap ng espiritu. Ngayon, ito ang kanilang mga paglalakbay:
Matapos na iwanan ang kanilang ama, si Mosias, sa unang taon ng mga hukom; tinanggihan ang kahariang nais na igawad sa kanila ng kanilang ama, at ito rin ang kapasiyahan ng mga tao;
Gayon pa man, nilisan nila ang lupain ng Zarahemla, [i]2881[/i] at dinala ang kanilang mga espada, at kanilang mga sibat, at kanilang mga busog, at kanilang mga palaso, at kanilang mga tirador; at ito ay ginawa nila upang matustusan nila ang kanilang sarili ng pagkain samantalang nasa ilang.
At sa gayon sila lumisan patungo sa ilang kasama ang kanilang bilang na pinili [i]3128[/i] na umahon sa lupain ng Nephi, upang ipangaral ang salita ng Diyos sa mga Lamanita.