Alma 17:9–12

At ito ay nangyari na, na sila ay naglakbay ng maraming araw sa ilang, at sila ay labis na nag-ayuno at labis na nanalangin upang pagkalooban sila ng Panginoon ng bahagi ng kanyang Espiritu upang makasama nila, at manatili sa kanila, upang sila’y maging mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos na madala, kung maaari, ang kanilang mga kapatid, ang mga Lamanita, sa kaalaman ng katotohanan, sa kaalaman ng kawalang-batayan ng mga kaugalian ng kanilang mga ama, na hindi tama.

At ito ay nangyari na, na sila ay dinalaw ng Panginoon ng kanyang Espiritu, at sinabi sa kanila: [i]3129[/i]

Maaliw.

At naaliw sila. At sinabi rin sa kanila ng Panginoon:

Humayo sa mga Lamanita, na inyong mga kapatid, at pagtibayin ang aking salita; gayon man, kayo ay maging matiyaga sa mahabang pagtitiis at paghihirap, upang kayo ay makapagpakita sa kanila ng mabubuting halimbawa sa akin, at gagawin ko kayong kasangkapan sa aking mga kamay tungo sa kaligtasan ng maraming tao.

At ito ay nangyari na, na ang mga puso ng mga anak ni Mosias, at gayon din yaong mga kasama nila, ay nagkalakas-loob na humayo sa mga Lamanita upang ipahayag sa kanila ang salita ng Diyos.

From section: Paglikas at Paghihiwalay

From page: Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Commentary