At ito ay nangyari na, na matapos niyang sabihin ang lahat ng bagay na ito, at ipaliwanag ang mga ito sa hari, na ang hari ay naniwala sa lahat ng kanyang mga salita. At nagsimula siyang magsumamo sa Panginoon, sinasabing:
O Panginoon, maawa; alinsunod sa inyong masaganang awa na inyong ipinadama sa mga tao ni Nephi, ay mapasaakin, at sa aking mga tao.
At ngayon, nang sabihin niya ito, siya ay nalugmok sa lupa, na tila bagang siya ay patay na.
At ito ay nangyari na, na siya ay binuhat ng kanyang mga tagapagsilbi at dinala siya sa kanyang asawa, at inilapag siya sa isang higaan; at nahihiga siyang tila bagang patay na sa loob ng dalawang araw at dalawang gabi; at ang kanyang asawa, at kanyang mga anak na lalaki, at kanyang mga anak na babae ay ipinagdalamhati siya, alinsunod sa pamamaraan ng mga Lamanita, labis na nananaghoy sa kanyang pagkawala.
At ito ay nangyari na, na pagkalipas ng dalawang araw at dalawang gabi, kanila sanang kukunin ang kanyang katawan at ilalagay ito sa isang libingan, na ginawa nila para sa layunin ng paglilibing ng kanilang mga patay.