Ngayon, nang makita ni Ammon at ng kanyang mga kapatid ang gawaing ito ng pagkalipol sa mga yaong labis nilang minamahal, [i]2932[/i] at sa mga yaong labis na nagmamahal sa kanila—sapagkat sila ay pinakitunguhan na tila bagang sila ay mga anghel na isinugo mula sa Diyos upang iligtas sila mula sa walang hanggang pagkawasak—kaya nga nang makita ni Ammon at ng kanyang mga kapatid ang malaking gawaing ito ng pagkalipol, sila ay naantig sa pagkahabag, at sinabi nila sa hari:
Magkakasamang tipunin natin ang mga taong ito ng Panginoon, [i]2933[/i] at tayo ay bumaba patungo sa lupain ng Zarahemla sa ating mga kapatid na mga Nephita, at magsitakas mula sa mga kamay ng ating mga kaaway, upang hindi tayo malipol.