At inulit din niya sa kanila (sapagkat ito ay sa hari at sa kanyang mga tagapagsilbi) ang lahat ng paglalakbay ng kanilang mga ama sa ilang, at lahat ng kanilang pagdurusa dahil sa gutom at uhaw, at kanilang paghihirap, at iba pa.
At inulit din niya sa kanila ang hinggil sa paghihimagsik nina Laman at Lemuel, at ng mga anak na lalaki ni Ismael, oo, ang lahat ng kanilang paghihimagsik ay isinalaysay niya sa kanila; at ipinaliwanag niya sa kanila ang lahat ng talaan at mga banal na kasulatan mula sa panahong lisanin ni Lehi ang Jerusalem hanggang sa kasalukuyang panahon.
Subalit hindi lamang ito; sapagkat ipinaliwanag niya sa kanila ang plano ng pagtubos, na inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig; at ipinaalam din niya sa kanila ang hinggil sa pagparito ni Cristo, at lahat ng gawain ng Panginoon ay ipinaalam niya sa kanila. [i]2902[/i]