At ngayon masdan, sina Ammon at Aaron, at Omner, at Himni, at kanilang mga kapatid ay labis na nagsaya, dahil sa tagumpay na natamo nila sa mga Lamanita, nakikitang ipinagkaloob ng Panginoon sa kanila ang naaayon sa kanilang mga panalangin, at pinatunayan din niya ang kanyang salita sa kanila sa kaliit-liitang bagay.
At ngayon, ito ang mga salita ni Ammon sa kanyang mga kapatid, na nagsasabi nang ganito:
At ito ay nangyari na, nang sabihin ni Ammon ang mga salitang ito, siya ay pinagsabihan ng kanyang kapatid na si Aaron, sinasabing:
Ammon, natatakot ako na sa iyong kagalakan
ay matangay ka sa pagmamalaki.
Subalit sinabi ni Ammon sa kanya: