Ngayon, hindi ba’t may dahilan upang tayo ay magsaya? Oo, sinasabi ko sa inyo, kailanma’y walang taong may gayong kalaking dahilan upang magsaya kaysa sa atin, mula pa nang magsimula ang daigdig; oo, at ang aking kagalakan ay natatangay, maging hanggang sa ipagmalaki ang aking Diyos; sapagkat taglay niya ang lahat ng kapangyarihan, lahat ng karunungan, at lahat ng kaalaman; nalalaman niya ang lahat ng bagay, at isa siyang maawaing Katauhan, maging hanggang sa kaligtasan, sa mga yaong magsisisi at maniniwala sa kanyang pangalan.