Oo, hindi sila magagapi ng unos sa huling araw; ni ang sila ay suyurin ng mga buhawi; kundi kapag dumating ang unos ay sama-sama silang titipunin sa kanilang lugar, upang hindi sila abutan ng unos; oo, ni ang sila ay itaboy ng malalakas na hangin saan man sila dalhin ng kanilang mga kaaway. Subalit masdan, sila ay nasa mga kamay ng Panginoon ng anihan, at sila ay kanya; at kanyang ibabangon sila sa huling araw.