[Alma 26:11–37] Walang hanggang papuri

Oo, may dahilan upang purihin natin siya magpakailanman, sapagkat siya ang Kataas-taasang Diyos, at nagkalag sa ating mga kapatid mula sa mga tanikala ng impiyerno. Oo, sila ay pinalibutan ng walang hanggang kadiliman at pagkawasak; subalit masdan, kanyang dinala sila sa kanyang walang hanggang liwanag, oo, sa walang hanggang kaligtasan; at sila ay napalibutan ng walang kapantay na kasaganaan ng kanyang pag-ibig; oo, at tayo ay naging mga kasangkapan sa kanyang mga kamay sa paggawa ng dakila at kagila-gilalas na gawaing ito.

From section: Ang Kaligayahan ng Mga Misyonero

From page: Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Commentary