[Alma 26:1–9] Ilaw ng Diyos

Masdan, ako ang siyang tutugon para sa inyo; sapagkat ang ating mga kapatid, ang mga Lamanita, noon ay nasa kadiliman, oo, maging sa pinakamadilim na kailaliman, subalit masdan, kayrami sa kanila ang nadala na mamasdan ang kagila-gilalas na liwanag ng Diyos! At ito ang pagpapalang ipinagkaloob sa atin, na tayo ay gawing mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos upang maisagawa ang dakilang gawaing ito. Masdan, libu-libo sa kanila ang nagsasaya, at nadala sa kawan ng Diyos.

From section: Ang Kaligayahan ng Mga Misyonero

From page: Ang Misyon ng Mga Anak ni Mosias sa Mga Lamanita

Commentary