Sino ang makapag-aakala na ang ating Diyos ay magiging napakamaawain upang agawin tayo mula sa ating kakila-kilabot, makasalanan, at maruming kalagayan? Masdan, tayo ay humayo maging sa kapootan, lakip ang mga pagbabanta na wawasakin ang kanyang simbahan.
O kaya nga, bakit hindi niya tayo itinakda sa isang kakila-kilabot na pagkawasak, oo, bakit hindi niya hinayaan ang espada ng kanyang katarungan na bumagsak sa atin, at ipaubaya tayo sa walang hanggang kawalang-pag-asa? O, aking kaluluwa, halos nga ito, ay tumakas sa pag-aakala. Masdan, hindi niya iginawad ang kanyang katarungan sa atin, kundi sa kanyang dakilang awa ay itinawid tayo sa yaong walang hanggang look ng kamatayan at kalungkutan, maging sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa.